top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Baon sa utang | INTSIK DINUKOT, 6 KAPWA INTSIK TIMBOG

Jeff Tumbado
Mar 4, 2019
1 min read

ARESTADO ang anim na Chinese nationals na umano’y mga miyembro ng malaking sindikato dahil sa ginawang pagdukot sa isa nilang kalahi sa Calamba City, Laguna.

Nakadetine sa Laguna Provincial Police Office (LPPO) ang mga suspek na sina Xin Wang, Sun Qing Ji, Hong Zhong Ah, Yan Ben, Zhao Da Hai at Si Cuan, umano’y mga miyembro ng Loan Shark Syndicate.

Ayon kay Police Colonel Kirby John Kraft, modus umano ng sindikato ang pag­papautang na may malaking interest sa kanilang kapwa Chi­nese para mag-casino at kapag hindi makapag­ba­yad ay dudukutin ito at ipa­tutu­bos sa kanyang ka­anak.

Sa isinagawang operas­yon nitong gabi ng Sabado, nailigtas ng Calamba City Police, Provincial Special Ope­rations Group (PSOG) at Anti-Kidnapping Group (AKG) ang biktima na itina­go sa pangalang Mr. Chung, sa isang resort sa Bgy. Pansol.

Lumalabas sa report na dinukot ng grupo ang bik­tima sa isang mall sa Makati City noong Pebrero 27 at agad dinala sa naturang re­sort.

Ani Kraft, natunton la­mang ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng biktima da­hil sa sumbong mula sa ilang residente.

Tinutukoy sa follow-up operations ang iba pang mga kasamahan ng naarestong grupo na umano’y nakakalat sa Makati at Cavite.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page