top of page

Lalo na sa mga estudyante riyan... 7 tips para maging successful ang bakasyon, alamin!

  • Jersey Sanchez
  • Mar 4, 2019
  • 2 min read

PALAPIT na nang palapit ang summer season kaya for sure, marami nang nagbabalak na magbakasyon kasama ang ka­ni-kanilang mga pamilya. Pero, bago ang lahat, narito ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin upang magkaroon ng masaya at successful na ba­kas­yon:

1. PLAN AHEAD. Siyempre, paano maisasagawa ang magandang bakas­yon kung hindi ipaplano, ‘di ba? Mga mamsh, make sure, na lahat ng inyong gagawin, bago umalis hanggang sa in­yong pagbalik ay nakaplano at nakala­gay sa inyong itinerary. Dehins ad­vi­sable na basta na lang kayong aalis nang walang plano dahil for sure, ang masaya sanang bakasyon, eh, baka ma­uwi pa sa wala.

2. WATCH OUT FOR KIDS. Mga mamsh, kung may mga tsikiting kayong kasama, make sure na hindi sila ma­wawala sa paningin ninyo, ha? Inirere­komenda rin ang paggamit ng DIY (do-it-yourself) ID nina bagets kung saan nakalagay dito ang mga impormasyon tulad ng pangalan ni ba­gets, gayundin ang pangalan at contact number ng magulang at house address. Sa gani­tong paraan, mas mabilis na maisasauli ang bata kung sakali mang mapunta siya sa ibang area ng pagbabakasyunan ninyo.

3. TAKE PHOTOS. ‘Ika nga nila, dehins kailangan ng mga picture para ma­ging memorable ang bawat expe­rience. Pero, why not make use of tech­nology? Magan­dang uri ito ng ‘sou­venir’ dahil siguradong maita­tabi ninyo ito hanggang sa paglaki nina bagets. Hindi ba’t, ang sayang balikan ng naka­raan kapag nakikita n’yo ang mga hit­sura n‘yo ru’n? Make sure na pak na pak kayo sa pictures, ha? Joke lang! Ha-ha-ha!

4. SAVE EMERGENCY NUM­BERS. Sabi nila, better to be safe than sorry kaya mga beshy, kunin na ang inyong cellphone at i-save ang mga con­tact number na posible ninyong kailanganin. ‘Ika nga nila, hindi natin masasabi kung kailan mangyayari ang sakuna ngunit, mas mabuting maging handa upang maagapan ito. Copy?

5. DON’T LET KIDS EXPLORE ON THEIR OWN. Sa mga may tsikiting d’yan na naku-curious na sa mga bagay sa paligid, be aware! Kahit pa sabihin nating tinitingnan-tingnan natin si bagets, make sure na mayroong nakatutok sa kanila habang nag­lalaro o naglilibot, partikular sa pool at madudulas na areas.

6. DON’T LEAVE VALUABLES EVERYWHERE. Alam na nating lahat ito. Ngunit, ipinaaalala namin na huwag makampante sa pag-iiwan ng mga gamit kung saan-saan, partikular ang mga wallet at gadget. Kung may­roong safe box sa lugar na inyong tutuluyan, mas ma­buting doon na lamang ilagay ang mga nabanggit na gamit.

7. DON’T GO ALONE. Kung kasama sa itinerary ninyo ang maglibot at kung posible, mas mabuting mag­karoon ng ‘buddy’ o partner ang bawat miyembro ng pamilya. Sa ganitong paraan, mas makikilala nila ang isa’t isa, gayundin na magkakaroon sila ng mas malalim na koneksiyon dahil sa pagiging mag-partner o buddy sa bakasyong ito.

Ayan, mga bro at sis, siguradong magiging safe at me­morable ang inyong bakasyon ngayong alam na ninyo ang mga do’s at don’ts sa bakasyon. Make sure rin na maibabahagi ninyo ang ilang tips na ito sa inyong pa­milya at kaibigan, ha?

Have a safe and successful vacation!

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page