top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Worried sa mga kulay puting patse-patse na lumilitaw sa kanyang balat

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2019
2 min read

Dear Doc. Shane,

Napansin kong marami akong patse sa katawan sa may dibdib at likod na kulay puti, makati ito, lalo na kapag mainit. Ang sabi ng dorm­mate ko ay an-an daw ito kaya dapat kus­kusin ko raw ng bawang para masu­nog. Saan ba naku­kuha ang an-an? — Samantha

Sagot

Ang an-an ay sakit sa balat na sanhi ng fungal infection. Ang an-an o tinea versicolor ay kadalasang nangyayari kapag ang uri ng fungus na natural na umiiral sa balat ng tao ay biglang dumami. Ang fungus na ito ang sumisira sa ibabaw ng balat na nag-iiwan ng mga puting patse sa balat.

Narito ang mga sanhi ng an-an:

• mayroong oily skin

• naninirahan sa lugar na mainit ang klima

• sobrang pawisin

• mahina ang immune system

Ang organismong sanhi ng an-an ay pang­karaniwan sa balat ng tao at hindi tulad ng iniisip ng karamihan, ang an-an ay hindi nakahahawa. Ang sakit na ito ay puwedeng makaapekto sa lahat ng uri at kulay ng balat ngunit, mas karaniwan sa mga teenager at young adult.

Narito ang ilan sa karaniwang sintomas ng an-an:

  • Patse sa balat na kulay puti, rosas, pula o kayumanggi at maa­aring maging mapus­yaw o mas matingkad kaysa sa balat na nakapaligid dito.

  • Spots na hindi kasing kulay ng ibang balat. Ang patse o spots na ito ay maaring du­mami sa alinmang bahagi ng katawan ngunit, ito ay mas nakikita sa leeg, dibdib, likod at mga braso.

Ang mga patse sa balat ay maaaring mawala kung malamig ang panahon ngunit, ito ay bumabalik at luma­lala kapag napakainit ng panahon. Ito ay maa­aring maging tuyo, makati at mahapdi sa ilang pagkakataon.

Narito ang mga paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng an-an:

Ang pag-iwas na magkaroon ng an-an ay mas mainam kaysa sa paggamot nito.

  • Ang pagligo ng isang beses o higit pa araw-araw ay maka­tutulong na makaiwas sa an-an. Ang paggamit ng sabon na may sulfur ay nakatutulong para ma­patay ang mikrobyong sanhi ng mga kati-kati sa balat.

  • Iwasan ang pag­bibilad sa araw.

  • Iwasan ang pag­hiram o pagpapahiram ng personal na mga gamit tulad ng damit o make-up materials.

Karamihan sa mga sakit sa balat ay maiiwasan kung tayo ay magiging malinis sa pangangatawan.

Ano ang gamot sa an-an?

Mayroong iba’t ibang gamot para rito tulad ng cream, lotion o shampoo na maaaring ilagay sa apektadong bahagi ng katawan. Sa mga malalang kaso na hindi kaya ng papahid-pahid, maaaring mag­pakonsulta sa dermatologist para mare­setahan ng iniinom na gamot o injection.

Ang salicylic acid ay isa sa pinakamura at mabisang paraan ng paggamot sa an-an. Ito ay nabibili sa mga boti­ka. Pagkatapos maligo, patuyuin ang buong ka­tawan, lalo na ang baha­ging may an-an. Kumu­ha ng bulak, basain ito ng salicylic acid at ipahid sa apektadong mga bahagi.

Tandaan: Ang salicylic acid ay nakasusu­nog ng balat kaya dapat mag-ingat sa paglalagay nito. Ito ay maaaring ulitin pagkaraan ng dalawa o tatlong araw hanggang sa maalis na ang kakaibang mga patse sa balat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page