U.S., nagpramis na dedepensahan ang 'Pinas kapag inatake ng China, bola?
- BULGAR

- Mar 3, 2019
- 1 min read
NANGAKO ang U.S. na dedepensahan ang Pilipinas kapag inatake ng China.
Pangako lang?
◘◘◘
BAKIT nang sakupin ng China ang Panatag Shoal, hindi dumipensa ang U.S. Fleet?
Bola lang ‘yan!
◘◘◘
HINDI naman AFP ang naduwag sa mga Tsino.
Pentagon mismo ang natakot sa China!
◘◘◘
ANG Spratlys Island ay isang international waters, pero bakit hindi pinigil ng U.S. at NATO ang pag-takeover ng Chinese sa pinag-aagawang karagatan?
Dapat masagot ‘yan ng mga eksperto!
◘◘◘
KINASUHAN na si ex-DOH Sec. Janette Garin at iba pang ehekutibo kaugnay sa Dengvaxia.
Ang kaso ay tinawag na “8 counts of negligence” sa 8 namatay na paslit.
Sakaling mapatunayang nagkasala, kulong sila ng “walong” anim na buwan.
Ganu’n lang ang parusa?
◘◘◘
NAGSIMULA nang mag-boxing si Jimuel Pacquiao.
Puwede na siyang kumandidatong kongresista!
◘◘◘
MARAMI nang inarestong nangingidnap ng paslit.
Pero hindi pa sila “nang-aagaw ng baril”!
◘◘◘
IBINAGSAK ng dalawang commercial airlines ang pamasahe sa eroplano.
Kahit gawing mamiso ang ticket, hindi pa rin ‘yan kayang bilhin ng nagugutom na si Butsoy!
◘◘◘
DARATING sa Maynila si Malaysian Strongman Mahathir Muhamad.
Mabuhay ang Sabah!





Comments