Team Duterte, atras sa debate; pangsayaw, kanta at joke lang daw kasi sila, ngek!

DEBATE IMPORTANTE SA MGA KANDIDATO, PERO PARA KAY P-DUTERTE, USELESS ITO — Dinepensahan ni P-Duterte ang pag-atras ng kanyang mga kandidato sa pagka-senador sa hamong debate ng oposisyon, dahil ayon sa pangulo ay useless daw ang debate sa mga kumakandidato.
Hay naku, napakaimportante pa naman nito sa publiko, lalo na sa mga botante ang debate ng mga kandidato dahil dito nila ilalahad sa taumbayan ang kanilang mga plataporma at gagawing solusyon sa mga problemang kinahaharap ng bayan at mamamayan tapos para kay P-Duterte, useless ang debate.
Palibhasa, karamihan sa mga kandidato ni P-Duterte, ang alam lang gawin sa pangangampanya ay sumayaw, kumanta at mag-joke, boom!
◘◘◘
MAY PUNTONG MANGAMBA ANG PUBLIKO NA MABIKTIMA NG EJK — Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) ay 78% ng mga Pinoy ang nangangambang mabiktima sila ng EJK sa bloody drug war ng Duterte gov’t.
May puntong mangamba ang mayoryang Pinoy na mabiktima ng EJK, napakarami na rin ang na-EJK na hindi naman sangkot sa droga at kabilang d’yan ang 17-anyos na estudyanteng si Kian Lloyd delos Santos, period!
◘◘◘
KAPAG WALANG RULE OF LAW, MARAMING MAPAPATAY NA HINDI NAMAN SANGKOT SA DROGA — Hindi si P-Duterte ang unang lider ng bansa na naglunsad ng madugong drug war kasi naglunsad din ng bloody drug war si ex-Thailand Prime Minister Thaksin Shinawatra noong 2003.
Nang mapatalsik sa poder si Shinawatra sa pamamagitan ng kudeta noong 2006 at magkaroon ng imbestigasyon sa bloody drug war ay dito natuklasang sa 2,500 Thailanders na napatay ay 1,400 dito ay hindi sangkot sa droga.
Patunay ‘yan na kapag walang ipinairal na rule of law sa kampanya kontra droga ay marami talagang mapapatay na mga taong hindi naman sangkot sa droga, hu-hu-hu!
◘◘◘
MAS TALAMAK ANG DROGA, KORUPSIYON AT KRIMINALIDAD NGAYONG PANAHON NI P-DUTERTE — Mas talamak ang droga, korupsiyon at kriminalidad ngayong panahon ni P-Duterte.
Kung noon, kilu-kilong shabu ang naipupuslit sa Bureau of Customs (BOC), ngayon ay tone-tonelada na. Noon, patago lang ang ginagawang korupsiyon, ngayon, lantaran at garapalan na at sa isyu ng kriminalidad ngayon, aba, talagang nakakikilabot dahil araw-araw maraming pinapatay, hu-hu-hu!





Comments