top of page
Pokwang.jpg

SA WAKAS, NANALO ANG HOTSHOTS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2019
1 min read

NASILO ng Magnolia Hotshots ang unang panalo matapos payukuin ang Meralco Bolts, 92-86 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Cagayan De Oro City.Nagtala si Jio Jalalon ng 19 points, siyam na rebounds at apat na assists upang tulungan ang Hotshots na kalsuhan ang three-game skid at ilista ang 1-3 karta. Nalasap naman ng Bolts ang pangalawang sunod na talo, tangan nila ang 2-5 record.Samantala, pakay ng Rain or Shine na pahabain sa anim ang kanilang winning streak upang masolo ang top spot ng team standings.Tangan ang 7-1 karta, makakalaban ng Elasto Painters ang TNT KaTropa sa alas-4:30 ng hapon sa Ynares Center, Antipolo.

Kasalo ng RoS ang Phoenix Fuel Masters sa top spot at kahit swak na sa quarterfinals ang E-Painters ay itotodo pa rin nila ang kanilang lakas upang makuha ang panalo. “Puntirya namin ay makasampa sa top two para at least malaki iyung advantage namin doon in the next round,” saad ni Rain or Shine Caloy Garcia. “Technically, I think we will need eight (wins) to have a chance for the top two.”Mabibiyayaan ng twice-to-beat ang 1-2 finishers pagkatapos ng 11-game eliminations.

Pero paniguradong dadaan sa butas ng karayom ang Rain or Shine bago makuha ang panalo dahil galing din sa panalo ang TNT na may 3-3 record. “We have to be physically and mentally tough going to the game. Defense is a must,” ani TNT head coach Bong Ravena.

Magtatapat naman sa pangalawang laro ang Alaska Aces at Barangay Ginebra Gin Kings sa ala-6:45 ng gabi. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page