top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Rider pisak sa mixer truck

Gina Pleñago
Mar 3, 2019
1 min read

ISANG 25-anyos na rider ang nasawi nang salpukin at magulungan ng concrete mixer truck at sugatan naman ang angkas nitong babae sa Makati City.

Namatay noon din ang biktimang si Robb Ian Membrere, 25, empleyado, residente ng Cavite.

Ginagamot sa Saint Luke’s Hospital, Bonifacio Global City (BGC) ang angkas nitong babae na si Renalyn Alivar Jaravilla, 26, dalaga, kawani, residente ng Pasay City.

Nasa kustodiya ng Makati City Police Traffic Bureau ang suspek na si Andy Cordero, 41, ng Taguig City,driver ng concrete mixer truck (URI 548).

Sa report na nakarating sa Makati Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente sa Northbound lane ng panulukan ng EDSA Service Road at Lapu-Lapu St., Bgy. Magallanes, alas-8:00 ng gabi.

Base sa kuha ng CCTVcamera, pagewang-gewang umano ang motorsiklong minamaneho ni Membrere habang angkas nito si Jaravilla.

Sinasabing sumingit umano ang biktima sa trak na minamaneho ni Cordero at huli na bago nito nakontrol ang preno hanggang sa nasalpok nito ang motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga,tumilapon ang mga biktima pero, ang driver ng motorsiklo ay nagulungan ng kanang gulong ng trak na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ang angkas namang si Jaravilla ay agad na isinugod ng Makati City Rescue Team sa nabanggit na ospital.

Agad namang hinuli ng mga awtoridad ang driver ng trak at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage property, na sumailalim na sa inquest proceeding.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page