PACQUIAO, ‘DI MAPIGILAN ANG GUSTO NG ANAK NIYA NA MAG-BOKSING


ALANGANIN daw talaga si boxing icon Manny Pacquiao na payagan ang kanyang panganay na anak na lalaki na sundan ang kanyang yapak bilang isang boksingero dahil ayaw na raw talaga ni Pacman na may sumunod pang boxer sa pamilya niya.
Sinabi ng Pinoy legend na may walo nang mga hawak na titulo sa weight divisions, hindi raw niya kayang makita ang kanyang anak na si Emmmanuel Jr., na masasaktan sa pagboboksing. “I said to him that boxing is tough, that training is tough, everything is tough. But he said, ‘daddy, boxing is my passion’,” saad ni Pacquiao, 40, sa Rappler online news site na ipinaskel ng ABS-CBN. “I said, ‘son that’s my line, you are copying my line’,” dagdag niya sa katwiran ng anak niya na tila nagpalambot sa pasya niya. Kilala sa kanyang pagiging rags-to-riches na istorya ng buhay sinabi ni Pacquiao na ayaw din ng kanyang misis na si Jinkee na mag-boksing ang 19-anyos nilang anak na si Jimuel. “Then Jimuel told her,’Mummy, you’re killing my dream’. So what can we do? We just let him,” dagdag niya. “He is training every day. I see him in his room watching my fights in TV almost every day,” ani Pacquiao. “It pains me because I know how hard is boxing. I can’t stand to see my son getting beaten. It’s okay if I am the one who will be beaten.”
Samantala, hindi rin naman daw paaawat si Pacquiao kung kailan siya magreretiro. “If I feel something wrong with my body or if I feel slightly weaker, then I might think about retirement,” aniya. “But for now, I’m fine. I feel like I’m 27 or 28 years old,” ani Pacquiao.
Matatandaang ginapi niya si US challenger Adrien Broner sa Las Vegas noong Enero at madalian niyang nadepensahan ang World Boxing Association regular welterweight title kung saan umibayo ang kanyang record sa 61-7 na may 2 draw at 39 knockouts sa career na nagsimula noong 1995. Hindi pa rin niya binabanggit kung sino ang sunod niyang makakasagupa. (MC)





Comments