top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

43RD MILO MARATHON, MALAPIT NA, NATIONAL FINALS SA ENERO 2020

  • A. Servinio
  • Mar 3, 2019
  • 2 min read

INILABAS na ang ka­len­daryo para sa 43rd MILO Marathon na napipisil na pinakamahaba sa kasay­sayan ng karera. Kailangan maghintay ang mga mananakbo ng Enero 19, 2020 para sa National Finals na gaganapin sa Tarlac City pagkatapos ng 10 yugto mulo Hulyo hang­gang Nobyembre ng taong ito.

Wala pang opisyal na dahilan ang hinahayag subalit malaking bagay ang pagdaos ng Southeast Asian Games sa Pilipinas mula Nob. 30 hanggang Dis. 11. Dahil dito, may pagkakataon na sina MILO King Rafael Poliquit at MILO Queen Mary Joy Tabal na depensahan ang kanilang mga koronang pinagwagian noong naka­raang Disyembre sa Laoag City.

Inaasahan na si Poliquit at Tabal ang magtataas ng bandila ng Pilipinas sa SEA Games Ma­rathon at sila ang maagang paborito na masungkit ang gintong medalya. Sisikapin din ni Tabal na pahabain lalo ang kanyang pag-reyna sa MILO ng pitong sunod-sunod na taon habang hahanapin ni Poliquit ang ika-apat na panalo sa MILO buhat pa noong 2014.

Ang unang karera ay gagawin sa Urdaneta sa Hulyo 14. Susundan ito agad sa Metro Manila sa Hulyo 28, ang walang patid na may pinakamaraming nakukuhang kalahok taon-taon. Ang iba pang mga karera sa Luzon ay sa Subic Bay (Agosto 4), Lucena City (Setyembre 15) and Batangas City (Setyembre 22). May mga karera sa Visayas-Mindanao sa Cebu City (Setyembre 29), Iloilo City (Oktubre 6), General Santos City (Oktubre 13), Davao City (October 20) at Cagayan de Oro City (Nobyembre 17).

Ang Subic Bay o Olongapo City ay huling nagdaos ng MILO Marathon noong 2011. Babalik ang Davao sa kalendaryo matapos lumaktaw noong nakaraang taon kaya hindi muna magkakaroon ng patakbo sa Butuan City.

Bago umusbong ang pangalan nina Tabal at Poli­quit, nanalo ng limang beses mula 1992 hanggang 1997 si Arsenia Sagaray. Napigil saglit ang mga panalo ni Sagaray noong 1995 ng mag­laro siya sa SEA Games sa Chiang Mai, Thailand na ginanap din ng Disyembre tulad ng MILO Marathon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page