WATER INTO WINE, PANDIIN SA WTA
- Green Lantern
- Mar 2, 2019
- 1 min read

WALONG karera ang magaganap ngayon hapon sa pag-alagwa ng 2019 Philiracom Rating Based Handicapping System sa Additional One Win in group Races sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.
Sa Race 1,unang magaganap ang pick 5 event at pinapaboran ang couple entry na Be The One at Eli Brassous, puwedeng isama sa forecast ang Yssa’s Will at Shout for Joy at Good Voyage sa Group Race (9). Magsisimula ang Winner Take All (WTA) sa Race 2, at pinapaboran ang mga kalahok na Apollo Of Aquila, Mabalor, Savior at Boom Boom Thailer.
Balikatan naman ang labanan sa pagitan ng Arianna Malia at Trust Worthy sa Race 3 kasabay ng panimula ng Pick 6 event. Ipinapatok ang Snap Dance sa Race 4 at magsisilbing kalaban mahigit ang Easy Landing ,Gil’s Magic at Valley Cat. Mahigpit na maglalaban ang Director’s Led Gold at Primadonna sa Race 5, na umpisa ng Pick 4 event.
Sa Race 6, nakalalamang ang Apple Du Zap at Exceptional Gee at Sierra Lanes at Right As Rain. Kabigatan ang laban na magaganap sa Race 7 sa pagitan ng Gomper Girl, Hidden Eagle, Lemonada at Weemissjerre. Binibigyan ng malaking laban ang Water Into Wine sa mga kalahok na Sky Rocketing Kentucky Rain at KingStreet sa Race 8.
Tip ni Mang Ding Race 1-Entry No. 3 Race 2-Apollo Of Aquila (2) Leonora’s Angel (10) Mabalor (11) Race 3-Trust Worthy (2) Arianna Malia(4) Race 4- Snap Dance (7) Easy Landing (3) Race 5-Director’s LegGold (3) Primadonna (6) Race 6- Apple Du Zap (5) Exceptional Gee(3) Entry No.1 Race 7-Gomper Girl (1) Weemissjerre (6) Race 8-Water Into Wine (12) Sky Rocketing(6)





Comments