top of page
Pokwang.jpg

SASABAK MUNA SA JONES CUP; GILAS MAGBABAGO NG ROSTERS?

MC/Alvin Olivar
Mar 2, 2019
2 min read

BUKAS sa ideya si Coach Yeng Guiao sa anu­mang pagbabago sa rosters ng Philippine national team para sa FIBA Basketball World Cup sa Agosto.

Hindi umano inaalis ni coach ang posibilidad na magkaroon ng major changes sa line-up dahil baka idagdag si Filipino-American guard Jordan Clarkson sa team sakaling payagan na ito ng FIBA. “Andray (Blatche) is there, and sabi ko nga, kung ma-tsambahan natin si Jordan Clarskon, that’s going to be the core of the team already,” ani Guiao noong Huwebes. “Meron mang changes, 1 or 2 players at the most.” “But kung nakuha na natin yung chemistry natin, nakuha na natin yung samahan nila, tapos nag-succeed naman tayo sa objective natin, parang if it’s not broke, why fix it? Parang ganun yung tingin ko dito,” paliwanag niya.

Ngayong maaga pa lang, balak na ni Guiao na maka­lahok ang Gilas Pilipinas sa 2019 William Jones Cup bilang bahagi ng paghahanda ng ko­ponan para sa FIBA World Cup sa Agosto.

Niliwanag niya pa ang kauna-unahang pormal na pagkuwalipika ng Philippine basketball o ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup na idaraos sa China. “We would like to be able to participate in the Jones Cup,” ayon kay Guiao, nang tanungin hinggil sa prepa­rasyon ng team. “It’s a logical thing for us now. I don’t know if that’s going to fit in the PBA schedule, pero top of the mind ‘yun.” Una nang lumahok ang Pilipinas sa torneo na nai-host ng Taiwan noong 2018. Noong nakaraang taon, ang bansa ay kinata­wan ng reigning UAAP champions Ateneo de Manila University kung saan tu­mun­tong sa 4th place ang Blue Eagles.

Umaasa si Guiao na ma­­ga­gamit nila ang tor­neo bilang bahagi ng paghahanda ng team at naikonsulta na kay PBA Commissioner Willie Marcial ang hinggil dito. “After ng game (vs. Ka­zakhs­tan) nag-usap na kami ni Coach Yeng, ‘Coach, ano?’ ‘Willie, ‘yung Jones Cup.’ ‘Coach, isang buwan ka­ming titigil’,” saads ni Mar­cial. So, pag-uusapan natin.” Bukod sa laban sa Jones Cup, umaasa rin si Guiao na magamit na nila sa ensayo ang mahabang panahon ng paghahanda, makabuo ng magandang chemistry at ihanda ang sarili sa pahira­pang laban sa World Cup.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page