top of page
Pokwang.jpg

RERESBAK ANG HD, TORNADOES UVC, TULOY ANG PARAMDAM

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2019
2 min read

MATAPOS ang impresibong panalo, patuloy ang kampanya ng United VC kontra Generika-Ayala sa Philippine Superliga Grand Prix ngayong araw sa Iloilo City.

Ang game time ay 6 p.m. kung saan pakay ng United VC ang ikatlong panalo sa limang laro sa prestihiyosong women’s club tourney.

Samantala, pakay makaresbak ng Foton Tornadoes at Cignal HD Spikers mula sa masaklap na pagkatalo sa kanilang paghaharap ng 2 p.m. habang ang Sta. Lucia at PLDT ay magsasagupa ng 4 p.m.

Nanatili ang Petron at F2 Logistics sa ibabaw ng team standings na may parehong 4-0 cards matapos ang impresibong panalo kontra magkahiwalay na katunggali noong Huwebes sa FilOil Flying V Centre.

Sandali lang tinapos ng Blaze Spikers ang Lady Realtors, 25-8, 25-8, 25-18, habang tinigpas ng Cargo Movers ang Tornadoes, 25-20, 25-20, 26-24 para sa magandang momentum upang maging handa sa next battle sa Huwebes sa San Juan venue. Pinakamalaking panalo ang nakuha ng United VC. Naasahan ang tikas nina import Yasmee Bedart-Ghani at Fil-American Kalei Mau sa bisa ng panalong 25-22, 25-13, 29-27 para makapuwesto sa winning track at pigilan ang three-game winning streak ng HD Spikers.

“This is a statement win,” ayon kay United VC coach Joshua Ylaya, na idinagdag na ang kanilang pagkatalo sa F2 Logistics ay para sa hangad nilang makabalik sa kontensiyon.

Natalo ang Lifesavers sa unang 4 na laban, at salamat sa ankle injury na dinanas ni Brazilian spiker Nikolle del Rio sa opening match.

Habang nasa bench si del Rio, kumawala sa Lifesavers ang tatlong panalo, kaya tinapik na ng team si Thai star Kanjana Kuthaisong upang matulungan si Azerbaijani import Kseniya Kocyigit at local stars Patty Orendain, Fiola Ceballos at Ria Meneses.

Nagsisimula pa lang mag-adjust si Kuthaisong sa nagawang 13 puntos sa Lifesavers, 25-19, 17-25, 15-25, 19-25 nang matalo sa Cignal noong Martes. “Our hopes are high,” ayon kay Generika-Ayala coach Sherwin Meneses, na wala pang panalo ang team sa unang pag-alagwa ng import-flavored conference. “We know that good things happen to those who work hard. So we’ll never stop working.” (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page