PICKLEBALL, NASA PILIPINAS NA KUNG PAANO MAGLARO, ALAMIN
- A. Servinio
- Mar 2, 2019
- 1 min read

ANG Pickleball ay hindi maasim o matamis. Ito ay isang larangan ng palakasan na nais ipakilala at palaguin sa Pilipinas kung saan pinagsama ang mga elemento at patakaran ng mga mas kilalalang larong ginagamitan ng raketa tulad ng Tennis, Ping Pong at Badminton.
Kamakailan ay nagsagawa ng klinika ang balikbayan coach na si Jenny Bautista-Marcos para sa mag-aaral ng San Sebastian College sa Maynila. Ang tubong Benguet na si Bautista-Marcos ay isang kampeon ng Tennis noong Dekada 80 at kinuha bilang varsity player ng University of Central Oklahama sa Estados Unidos pero ngayon ay Pickleball ang kanyang adbokasiya.
Tiyak na mas maaakit ang mga masa sa pickleball dahil una, ang mga kagamitan nito ay hindi kasing mahal . Kailangan lang ng patag na lugar – may bubong o wala – at hindi na kailangan magbayad at sumali sa mga club.
Ang korte ng Pickleball ay kasing laki ng sa badminton pero mas mababa ang net na nasa sahig na tulad ng tennis at ang raketa ay parang sa ping pong pero medyo mas malapad ito at parang abaniko na hugis kwadra imbes na pabilog.
Ang bola ay kasing laki ng ginagamit sa tennis pero mas hawig nito ang sa ping pong pero ito ay may maraming butas kaya kahit anong lakas ng palo, mabagal pa rin ang lipad nito kaya angkop ang laro para sa lahat pati na rin ang mga senior citizen.




Comments