P-Duterte, biglang bumait sa mga Obispo, kampanya... alam na!

DAHIL NAG-START NA ANG KAMPANYA SA PAGKA-SENADOR, BABAIT-BAITAN NA SA MGA OBISPO SI P-DUTERTE — Noong hindi pa nag-uumpisa ang kampanya sa pagka-senador, iniutos ni P-Duterte sa mga tambay na holdapin ang mga miyembro ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines dahil marami raw silang pera, pero nang mag-umpisa na ang campaign at makatanggap ng death threat si Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David ay biglang nag-iba na ang tono ng pangulo at nagbanta na mananagot daw sa kanya ang sinumang mananakit at gagawa ng masama sa mga Obispo.
‘Yan ang bulok na istayl ni P-Duterte na para makuha ng mga kandidato niya ang boto ng mga Katoliko, kunwari pinangangalagaan niya ang buhay ng mga Obispo, pwe!
◘◘◘
MANGUDADATU, LAGLAG SA HUGPONG NG PAGBABAGO? —Labintatlong kandidato sa pagka-senador ang bitbit ng partidong “Hugpong ng Pagbabago” ni Presidential Daughter Mayor Sara Duterte-Carpio at kabilang dito si Maguindanao Rep. “Dong” Mangudadatu.
Ito na ang siste, dahil 12 kandidato lang sa pagka-senador ang maaaring iboto, wala ang mukha at pangalan ni Mangudadatu sa LED digital poster nang magdaos ng campaign caravan ang “Hugpong ng Pagbabago” sa Amoranto Stadium sa Quezon City.
‘Ika nga, parang pahiwatig ito sa mga botante kung sino sa mga kandidato ng HNP ang dapat ilaglag sa senatorial election, boom!
◘◘◘
P-DUTERTE, ‘NGANGA’ SA KABALBALAN NG NYC CHAIRMAN — Hanggang ngayon, walang aksiyong ginagawa si P-Duterte sa paggamit ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema ng kanyang posisyon para ikampanya ang Duterte Youth Partylist para maging congresswoman ang misis niyang first nominee ng partylist na ito.
Patunay ‘yan na kinukunsinte ni P-Duterte ang kabalbalang ginagawa ng kanyang mga alipores, buwisit!
◘◘◘
LOTTENG AT BOOKIES SA PASAY CITY, TULOY PA RIN — Tuloy pa rin daw ang operasyon ng “lotteng” at “bookies” ni “Aguado” sa Pasay City. ‘Yan ba ang sinasabi ni Mayor Tony Calixto na walang iligalista sa kanyang nasasakupan? Pwe!





Comments