top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nag-iwan ng maraming patay at matinding pinsala | 3 PANGALAN NG BAGYO INALIS SA LISTAHAN

V. Reyes
Mar 2, 2019
1 min read

TINANGGAL na sa listahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pangalan ng tatlong bagyo na naging mapanira noong 2018.

Tinukoy ni PAGASA administrator ang mga Bagyong Ompong, ‘Rosita’ at ‘Usman’ na hindi na pupuwedeng magamit na ipangalan sa mga susunod na bagyo.

Sa pamamagitan ng resolusyon, pinapapalitan na ang naturang mga pangalan ng ‘Obet’, ‘Rosal’ at ‘Umberto’.

Hindi na ginagamit ng PAGASA ang pangalan ng bagyo kung nag-iwan ito ng hindi bababa sa 300 patay at nagdulot ng P1 bilyong halaga o higit pa na pinsala sa agrikultura o imprastruktura.

Noong Setyembre ng nakaraang taon, 82 katao ang namatay habang P33.9 bilyon ang pinsalang iniwan ng Bagyong Ompong.

Nasa 20 katao naman ang namatay habang P2.9 bilyon ang iniwang pinsala sa pananim at imprastruktura ng Bagyong Rosita noong Oktubre 2018 habang nasa 156 ang death toll at aabot sa P5.4 bilyon ang pinsala ng Bagyong Usman noong Disyembre ng nakaraang taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page