Mula 52nd floor | ELEVATOR BUMULUSOK, 14 NADALE

AKSIDENTENG bumulusok ang elevator ng gusali kung saan 14 ang sugatan, kahapon ng umaga sa Lungsod ng Makati.
Ginamot sa Ospital ng Makati (OsMak) sina Ace Sierda, 28; Narciso Sermonia, 29; Perry Benig, 35; Randy Serda, 50, at Rowel Cristobal, 30, na nagtamo ng mga sugat sa katawan.
Ginagamot naman sa Makati Medical Center (MMC) sina Chem Xin Guang, 36; Tiou Chineng, 48; Daltray Reyes, 28; Hermino Samson, 29; Patrick Jayson Lacsamana, 36; Rolando Villarina, 56; John Carl Eraña, 25; Joseph Libre at Aristotle de Vera, pawang nasa hustong gulang.
Ayon kay Makati City Police Chief Sr. Supt. Rogelio Simon, nangyari ang insidente sa PBCom Tower sa 6795 Ayala Avenue, Bgy. Bel-Air.
Sinasabing mula sa 52nd floor, bumulusok ang elevator sa 38th floor bago gumana ang emergency brake nito.
Gayunman, nang hindi bumukas ang pinto, bumulusok ito hanggang sa ground floor.
Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente.





Comments