top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga magtitinda ng mga pekeng produktong pampaputi na hindi naberipika ng FDA, lagot!

  • Ryan B. Sison
  • Mar 2, 2019
  • 1 min read

‘IKA nga, aanhin mo ang mala-por­selanang kutis kung kalusugan mo na­man ang manganganib? Hmmm…

Likas na sa ating mga Pinoy ang ka­hi­ligan natin sa pagpapaputi kung saan ‘yung ilan sa atin, eh, mas prayo­ridad pa ang pagpapaganda ng kutis kaysa sa mismong kalusugan. ‘Yun lang!

Kaya naman, nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga pekeng pampaputi sa balat na diumano’y naglipa na naman sa mer­kado.

Gayunman, batay sa Advisory No. 2019- 041 na inilabas ng FDA, pinag-iingat nila ang publiko sa paggamit ng Whitening Day and Night Cream Treat­ment ng isang kilalang brand dahil ang nasabing produkto ay hindi umano du­maan sa verification process at safety procedure.

Kaya ang panawagan natin para sa mamamayan na balidoso at mahilig bu­mili ng kung anu-anong produkto, par­ti­kular ‘yung mga pasok sa budget, mag-ingat tayo nang sa gayun ay ma­iwasan ang panganib na makukuha mula sa mga ito na hindi pala aprubado ng ahensiya, pero ibinebenta na.

Mas bigyang-prayoridad natin ang ating kaligtasan kaysa sa kagandahan dahil ang ganda ay lumilipas din naman. He-he-he!

Samantala, para naman sa nais mag­sumbong sa mga nagbebenta ng nasa­bing produkto ay maaari kayong mag-email sa report@fda.gov.ph o tumawag sa hotline ng ahensiya.

Maging alerto at mag-ingat tayo, mga ka-BULGAR!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page