top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Hotline 8888, mas lalong tututukan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2019
1 min read

BABALA sa mga pasaway d’yan na suki ng hotline 8888, magkakaroon na ng tanggapan para sa mga rekla­mo laban sa inyo.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, magtata­laga siya ng undersecretary na siyang mamamahala sa hotline 8888 ng pamahalaan.

Ang nasabing tanggapan ang mangangasiwa sa hotline na tatanggap sa reklamo ng publiko.

Maglalagay din ng SMS system na para naman sa mga reklamo sa pamamagitan ng text.

Sa pamamagitan nito, higit na matututukan ang hotline 8888 at mabilis na masasagot ang mga reklamo ng taumbayan.

Matatandaang, nabanggit ng pangulo kamakailan na palaging busy ang hotline ng gobyerno kung saan inatasan nito ang PLDT na dagdagan ng trunkline ang 8888 para mas madaling matawagan.

Para naman sa mga nagrereklamo, gamitin natin itong pag­kakataon para maidulog ang mga hinaing kaugnay sa tinatanggap nating serbisyo mula sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Tulad ng delay sa pagproseso ng mga inilalakad nating do­kumento.

Puwede ring isumbong ang mga bastos o sumisimangot na empleyado ng gobyerno.

Higit sa lahat, ibulgar ang mga sangkot sa korupsiyon o ire­gularidad!

Ang pakiusap lang sa ating mga caller, gamitin natin ang hotline 8888 nang tama at huwag lokohin. Unang-una, ginawa ito para rin sa kabutihan natin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page