Bawas-singil sa tubig sa Abril

INANUNSIYO ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magkakaroon ng bawas-singil sa tubig sa Abril.
Sa panayam kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, kaugnay ito sa mas mababang foreign currency differential adjustment (FCDA) sa second quarter ng 2019.
Ang FDCA ay konektado sa mga utang ng water concessionaires na nasa U.S. dollar at Japanese yen.
Ani Ty, malakas ang ekonomiya ng bansa na nagreresulta sa paglakas ng piso laban sa dolyar at yen.
Nasa 0.07 kada cubic meter ang bawas sa FCDA ng Maynilad habang P0.31 naman sa Manila Water mula Abril hanggang Hunyo.
Sakaling magpatuloy ang paglakas ng piso hanggang ngayong buwan, may posibilidad na magkaroon din ng bawas sa FCDA sa third quarter o mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.





Comments