After 1986, mga pangulo, nang-agaw na lang ng kredito kay ex-P-Marcos, period!

MARSO na.
Mag-ingat sa sunog!
◘◘◘
KAMPAYAHAN na rin.
Mag-ingat sa nambubukol!
◘◘◘
PINASINAYAHAN ang Harbor Link patungo sa NLEX.
Hindi raw ninanakaw ni P-Digong ang kredito kay ex-P-Noy!
◘◘◘
KUNG pag-uusapan ang nakawan ng kredito talamak na biktima si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sino ang unang awtor ng land reform?
Sino ang nagtatag ng Department of Energy?
◘◘◘
SINO ang nag-reclaim ng Roxas Boulevard na sentro ng modernisasyon?
Sino ang utak ng labor code para sa minimum wage?
Sino ang unang bansa na nag-claim sa Spratlys Island?
◘◘◘
SINONG pangulo ang lumagda ng mahigit 5,000 batas na hanggang ngayon ay umiiral at pinakikinabangan ng mahigit 100 milyong Pinoy?
Sino ang nagpaikli ng pananatili ng U.S. bases sa Pilipinas?
Malilimutin at ipokrito ang ilang pulitiko!
◘◘◘
SINO ang nagpatupad ng Katarungan Pambarangay na nagbawas ng bilang ng mga kaso sa hukuman?
Sino ang nagpatayo ng pinakamaraming bilang ng eskuwelahan?
Sino ang nagbunsod ng elektripikasyon sa mga liblib na lugar?
Sino ang nagpasemento ng mga maliliit na kalye at irrigation feeder road sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas?
◘◘◘
SINO ang nagparami ng ani ng palay at nagpundar ng NGA, NFA at nag-export ng bigas sa ibang bansa?
Sinong pangulo ang nag-angat ng buhay ng mga magsasaka, manggagawa at mangingisda?
◘◘◘
ISANG libo’t isang produktibo at epektibong batas at programa sa Pilipinas ang ipinatupad ni ex-P-Marcos, pero ang mga kritiko ay tila lorong naninira sa kanyang pagkatao.
Ang mga pangulo, matapos ang 1986 ay pawang nang-agaw ng kredito kay dating Pangulong Marcos.
Sinong pangulo, ang nagligtas sa Republika ng Pilipinas mula sa mga kuko ng komunistang China at sosyalistang Soviet?
Magsalita kayo, sino?





Comments