11 nasampulan, reklamo sa PNP | MGA KANDIDATO, GUMAGAMIT NG WANGWANG

AABOT sa 11 motorista ang nasampulan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group sa pinalakas na kampanya nito kontra wangwang.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, karamihan sa mga reklamong ipinarating sa kanila ay ang mga kandidatong gumagamit ng wangwang.
Inilunsad ang mga operasyon sa Quezon City at San Juan City kung saan ay kabilang sa mga pinara ay mga pribadong sasakyan at motorsiklo na may domelight, blinker at flasher.
Kinumpiska lamang ang mga wangwang at hindi muna pinagmulta ang mga nahuli.
Damay din sa nahuli ang mga gumagamit ng hindi awtorisadong vanity plates.
Diin ni Police Brigadier General Roberto Fajardo, ang mga pinapayagan lamang na gumamit ng wangwang at blinker ay ang AFP PNP, iba pang law enforcement agencies at mga ambulansiya.





Comments