top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

WARRIOR FLAME VS. HOLY BULLEA SA WTA

Green Lantern
Mar 1, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

MAGANDA ang line-up ng mga kalahok sa pitong ka­rera na magaganap sa bakuran ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong gabi.

Sa pag-uumpisa nang laban sa Race 1 kasabay ng Winner Take All (WTA) walong mananakbo ang mag­tatagisan ng bilis sa 1,200 Meters at pinapaboran ang Warrior Flame kontra sa Holy Bullea at St. Suswa.

Nariyan din ang Absolu­teresistance at Beacon Street na makikita sa unahan sa umpisa ng laban sa Group Race (9).

Sa Race 2, kung saan simula ng Pick 6, pinapaboran ang mga kalahok Run and Gun at Frozen at magbibigay ng magandang laban ang Baisakhi, Yes Music at Hold On. Pu­wedeng solohin ang kalahok na Can You Giub, kung nagha­hanap ng dehado na riyan ang Batang Nova­liches at Pabu­long na makikita sa maglalaban-laban sa Race 3 na simula ng Pick 5 event.

Mahigpit din na maglalaban sa Race 4 ang mga kalahok na Casian Island at Union Run sa 3 Year Old and Above Maiden Race na simula ng Pick 4 event. Magsi­sil­bing parating ang Race 5 ang Super Vista, Entry No.1 (Superal at Samantha’s Best), Avenue Shopper at huwag kakalimutan ang Rafa.

Sa Race 6, nakalalamang ang Shoo In laban sa Senior Lucas, Low Key at SoonerTime. Tatlong mananakbo ang na­kikita maglalaban sa Race 7 na bubuo sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 ang mga kalahok na Kid Kenshin, No Matter What at Boundary.

Tip ni Mang Ding- Race 1-Warrior Flame (1) Holy Bullea (3) Race -2 Run and Gun (2) Baisakhi (5) Yes Music (6) Race 3-Can You Giub (4) Batang Novaliches (5) Race 4- Casian Island (4) Union Run (7) Race 5- Super Vista (5) Entry No.1 Race 6-Shoo In (2) Sooner Time (4) Senior Lucas (6) Race-7 Kid Kenshin (8) Dave Joshua (4) Kinagigiliwan (3)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page