Tumutulong sa anti-drug war | BGY. OFFICIALS, TANOD BIGYAN NG SUWELDO AT BENEPISYO
- Mylene Alfonso
- Mar 1, 2019
- 1 min read

BIGYAN ng suweldo at sapat na benepisyo ang mga barangay official dahil sila ang kadalasang ‘first responders’ sa giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay dating Special Assistant to the President Secretary (SAP) ‘Bong’ Go, ngayon ay honorarium o allowance lang ang natatanggap ng mga opisyal at tanod ng barangay.
Aniya, dapat mabigyan ng maayos na income at benefits ang mga barangay official upang higit nilang magampanan ang kani-kanilang mga trabaho tulad ng pangunguna sa kampanya kontra droga ng gobyerno.
Nakakaawa umano ang kalagayan ng mga elected barangay official dahil maghapon sila sa kani-kanilang mga barangay upang tugunan ang problema at ibigay ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan. Ayon kay Eric Yap ng ACT-CIS Partylist, marapat lamang na suklian ng pamahalaan ang serbisyo ng mga barangay official.





Comments