top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

TRONO NG PCA U-14 RAPID CHESS INANGKIN NI 11-YEAR OLD RUIZ

Eddie M. Paez, Jr
Mar 1, 2019
2 min read

PINANGATAWANAN ng 11- anyos na si Wayne Ruiz ang pagiging topseed nang magtagumpay pagka­tapos ng anim na rounds tu­ngo sa pag-akyat sa trono ng PCA 127th Edition Kid­dies U14 Rapid Chess Tour­na­ment sa Bicutan, Paraña­que.

Kinasangkapan ni Ruiz ang natipong 5 puntos na na­kaangkla sa apat na panalo, dalawang draws at ang mas makinang na tiebreak points (24.5) papunta sa kampeo­nato ng sagupaang umakit ng 49 na mga musmos na disipulo ng ahedres.

Ang paslit na chesser ay may 1885 na rating bago nagsimula ang torneo pero ang naging performance rating ay sumibad noong 1938.

Sumegunda si Vincent Ryu Dimayuga, 9-anyos na 3rd seed at may rating na 1814, matapos itong maka­pagposte ng markang katu­lad ng kay Ruiz pero mas mababang tiebreak points (24.0) habang isinara ni 5th seed Ritchie James Abe­leda, 12-anyos ang komposisyon ng podium sa tulong ng li­mang panalo at isang talo na kartada sa paligsahang inor­ganisa ng Parañaque Chess Association.

Dalawa pang kalahok ay tumapos din ng may kabu­uang produksiyon na limang puntos. Ito’y sina Ivan Tra­vis Cu at Heina Dynamica Ruiz pero hindi sila nakapa­sok sa podium dahil sa ma­babang output sa tiebreak.

Samantala, sa salpukan ng mga matitikas na disipulo ng ahedres sa Saint Louis, U.S.A, nanalo sina US GM Fabiano Caruana, US GM Hikaru Nakamura, Pinoy GM Wesley So, GM Bul­ga­rian Veselyn Topalov at Hun­garian GM Richard Rapport sa limang magka­ka­ibang duwelo ng rapid at blitz chess.

Inilampaso ni Caruana si GM Pentala Harikrishna (35.5-12.5); nanaig si Naka­mura kay Polish GM Jan Krzysztof Duda (29.5-18.5); taob si Czech GM David Navara kay So (28.0-20.0); nakaungos si Topalov kay GM Leinier Dominguez (25.5-22.5) habang tumik­lop si GM Sam Shankland kay Rapport (31.5-16.5).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page