Tren sumabog, 25 patay
PATAY ang hindi bababa sa 25 katao habang sugatan ang 47 iba pa matapos sumabog ang istasyon ng tren sa Cairo, Egypt.
Bumangga ang humaharurot na tren sa platform ng Ramses Station dahilan para sumabog ang fuel tank nito.
Ayon kay Egypt Health Minister Hala Zayed, posibleng tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil karamihan sa mga sugatan ay nasa malubhang kalagayan.
Gayunman, nangako si President Abdel Fattah el-Sisi na pananagutin niya ang sinumang responsable sa insidente.
Samantala, nagbitiw sa puwesto si Transportation Minister Hisham Arafat matapos ang aksidente.
Batay sa impormasyon, ang Ramses District ang pinakamataong lugar sa Cairo na kabisera ng Egypt.
Gayundin, hindi umano napamamahalaan nang maayos ang railway system ng naturang bansa.
Napag-alaman din na mayroong 1,793 train accidents ang naganap sa Egypt mula noong 2017.





Comments