Sumaklolong pedicab driver patay din | HEPE NG MGA TANOD UTAS SA RIDING-IN-TANDEM
- Jeff Tumbado
- Mar 1, 2019
- 1 min read

PATAY sa pamamaril ang isang barangay executive officer o hepe ng mga tanod sa Bgy. Tangke, Talisay City sa Cebu, Miyerkules ng gabi.
Dead-on-arrival sa ospital si Noriel Abay nang tambangan ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Ayon kay Chief Insp. Ardioleto Cabagnot, binaril si Abay habang lulan ng kanyang motorsiklo at pauwi na sana.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek pero, isang pedicab driver ang nakasaksi sa krimen at nagtangkang harangin ang mga ito.
Gayunman, pinagbabaril din ng riding-in-tandem ang driver ng pedicab na nakilalang si Joel Melicer na hindi na rin umabot ng buhay sa pagamutan.
Patuloy naman ang imbestigasyon at pagtugis sa mga suspek.





Comments