Sangkot sa droga | KELOT NIRATRAT, DEDBOL
- Mylene Alfonso
- Mar 1, 2019
- 1 min read

TODAS ang 30-anyos na hinihinalang sangkot sa bentahan ng iligal na droga matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Visayas St., Sampaloc, Manila.
Iniimbestigahan ng Manila Police District-Homicide Section kung may kinalaman sa hindi pagre-remit ng kita sa sindikato ng iligal na droga ang motibo ng pagpaslang kay Sherwin Reyes, tricycle driver.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, alas-8:10 ng gabi nang mangyari ang insidente.
Ayon sa ilang nakakita, naglalakad ang biktima nang dikitan ito ng mga suspek saka binaril.
Nakabulagta na sa kalsada at duguan si Reyes pero, nilapitan pa ito ng mga suspek at pinaputukan ng dalawang beses bago nagsitakas.
Ayon kay Kagawad Lolita Merin, ng Bgy. 565, Zone 55, una nang sumuko ang biktima sa Oplan Tokhang noong 2016.





Comments