NIEMER AT BELL NG BLAZE SPIKERS NAGLALAGABLAB SA SUPERLIGA


IPINAMALAS ng reigning champion Petron ang kanilang lakas nang idemolis ang Sta. Lucia sa straight sets, 25-8, 25-8, 25-18 sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying V Centre. Nagpatuloy sina imports Stephanie Niemer at Katherine Bell sa pagdeliber ng magandang laro para sa Blaze Spikers na dinale ang Lady Realtors sa loob ng 61 minuto ng laro sa pretihiyosong club tourney.
Nakapagkamada si Niemer ng 24 puntos at 17 kills, 5 aces at 2 blocks at 11 digs habang si Bell ay pumorma ng 14 kills sa 17 puntos para sa Petron na nanatiling unbeaten sa apat na laro ng liga.
Tumingkad ang laro ni setter Rhea Dimaculangan sa bisa ng 28 excellent sets sa 3 marka maging si libero Denden Lazaro na may 11 digs at 6 excellent receptions. “We’ve been seeing the improvement of the team but we can never be contented on what we have right now,” ani Delos Santos. “We have to maintain this kind of performance or even level it up for us to reach our goal.”
Matapos limitahan ang Lady Realtors sa 8 puntos pareho sa unang dalawang sets, bumaba ang Blaze Spikers sa 3-7 sa 3rd set bago muling nakaalagwa at makalamang sa 10-9. Umarangkada ang Petron sa 19-15 breather mula sa birada ni Niemer, pero nagpumiglas ang Sta. Lucia at idinikit sa 20-18 ang iskor.
Nakapagdeliber sina Niemer, Bell at Bernadeth Pons ng tatlo sa huling 5 puntos para sa defending champion para makumpleto ang three-set rout. Walang nakaiskor ng double figures para sa Sta. Lucia at tanging 8 at 6 lamang ang nagawa nina import Casey Schoenlein at Molly Lohman. Lagpak ang Lady Realtors sa apat na diretsong talo sa 5 laro. (MC)
Laro Bukas: (Malolos Sports Convention Center) 2:00 p.m. — Foton vs Cignal 4:00 p.m. — Sta. Lucia vs PLDT: 6:00 p.m. — Generika-Ayala vs United VC





Comments