Na-hurt na 'di nagsori sa kanya ang ex sa joke na 'naloko' siya… IBINULGAR NI KRIS: IPE,


MATAPOS puri-purihin noong nakaraang linggo, dinurug-durog naman ngayon ni Kris Aquino ang ama ni Joshua (her eldest son) na si Phillip Salvador sa kanyang Facebook Live last Wednesday night na tumagal nang kalahating oras.
Ang pinanggagalingan ng sama ng loob ni Kris ay ang campaign sortie ni senatorial candidate Christopher “Bong” Go kung saan ay sinabi nito kay Ipe, na kasama rin sa kampanya, ang mga linyang “Naloko mo nga si Kris.”
Earlier that day ay nag-post na sa kanyang Instagram account si Kris calling former SAP Bong’s attention tungkol sa pagdamay nito sa pangalan niya at ginawa siyang katatawanan sa kampanya.
Sa kanyang FB Live ay ipinahayag na ni Kris na tumawag na si Bong Go sa kanya at nag-apologize.
Pero ang ikinasasama ng kanyang loob, hindi man lang daw nag-reach out si Kuya Ipe habang pinuri-puri naman niya ang senatoriable sa pagtawag mismo sa kanya at paghingi ng dispensa.
“I admire him because he was man enough to call me.
“I’m not saying it erases the sin, hindi ko sinasabi na nakakalimutan ko na ‘yung sakit. Ang sinasabi ko, humanga ako dahil nagpakalalaki siya at tumawag siya,” pahayag ni Kris patungkol kay former SAP Bong.
Pagdating sa ama ng kanyang panganay na anak, ani Kris ay pinuri pa niya ito last Feb. 14 (her birthday) sa huli niyang FB Live.
“Ang mali ko kasi, I let you off easily. Pinuri pa kita. Ang hindi ko nabanggit sa mga tao, 16 years kang walang inabot kahit piso kay Josh.”
“Sana naisip mo, that line — ‘Naloko mo si Kris Aquino’ — what does that make of your son? Produkto siya ng panloloko?” pahayag ni Kris.
Inamin din niya na si Ipe ang naka-devirginize sa kanya.
“I was 23 years old when the relationship started. How many times did I hear, ‘Naka-isa si Ipe,’ ‘Siya ang nakauna kay Kris’? Yes, totoo ‘yun, I was a virgin, and I got pregnant, and I left my family. I chose him.
“I turned a blind eye to the gambling, I turned a blind eye to the nights na hindi ma-explain kung bakit hindi umuuwi, kahit alam ko alam na ang shooting,” saad pa ni Kris.
Kinondena niya ang ginagawa siyang katatawanan nina Bong and Ipe sa campaign sortie.
“If I am just part of a skit or part of a joke or part of a way to entertain people, what kind of country is this? Sana, naisip lang ninyo na in the midst of your campaign, there is a 23-year-old boy who is special, who is autistic, who watches you — and I’m directing this message to Phillip Salvador,” she said.
Sinabi rin ni Kris na 7 years ago pa nang huling makita ni Joshua ang ama nito at hanggang ngayon, nakikita niyang sine-search ng anak si Kuya Ipe sa Ipad nito which means pinapanood nito ang ama.
“Nanahimik ako for so long, because I thought you were a good man,” she went on, addressing Salvador.
“I equated goodness because hindi mo nga kami ginulo. Pero mali, eh. Mali na kinalimutan mo si Josh… That’s not a big deal because I’ve done a good job in raising him. Pero mali na ginagawa mong biro ang anak ko.”
“I deserve that. I made the mistake of falling for you. I made the mistake of loving you. You did not love me. Because had you loved me, 20 years after, hindi ako magiging biro sa isang skit sa bawat entabladong inaakyat mo.
“Pero sana man lang, ‘yung bata na minahal ka… Sana man lang siya, naisip mo, dahil kadugo mo siya, eh. Who cares about Kris Aquino? You don’t have to care about me, but you should care about Joshua, because that child never hurt you. And to this day, that child says mahal ka niya,” sey ni Kris.
Sa huli ay inulit ni Kris na nagkamali siya ng taong minahal.
“I chose the wrong man to love, and my son is now paying for that,” she said, referring to Kuya Ipe. “Life moves forward, and the only thing I can do is try my best to be the best possible mother for this child, because he did not deserve to be made a joke of.”
Sa ngayon ay wala pang reaksiyon o pahayag si Kuya Ipe sa mga sinabi ni Kris. Bukas ang aming pahayagan para sa kanyang panig or sa anumang pahayag na nais niyang ihayag.





Comments