Mga dapat gawin para maiwasan ang kanselasyon ng accreditation sa PCUP
- Alvin Feliciano
- Mar 1, 2019
- 2 min read

MARAMI ang nagtatanong kung ano ang obligasyon at dapat iwasan ng mga accredited Urban Poor Organization/Federation ng Presidential Commission for the Urban Poor para hindi makansela ang accreditation ng naturang samahan?
Tanong: Ako si Domingo, lider ako ng UPAO sa aming lugar. Na-accredit ang aming samahan nito lamang 2018. Nabasa ko sa inyong kolum nitong nakaraang linggo ang tungkol sa accreditation ng UPAO. Nais kong itanong kasama ng iba pa naming opisyal at miyembro kung anu-ano ang dapat gawin upang maiwasan ang kanselasyon ng aming accreditation?
Sagot
Simple lamang ang mga dapat sundin upang maiwasan ang kanselasyon ng inyong accreditation. Una, iwasan ang misrepresentation sa minutes ng inyong meeting, lalung-lalo na kung ang agenda ay tungkol sa pag-adopt ng Constitution and By-Laws at eleksiyon ng bagong opisyales. Pangalawa, iwasan ang pakikilahok sa anumang squatting syndicate at iba pang iligal na gawain. Pangatlo, sumunod sa inyong obligasyon bilang accredited urban poor organization. Panghuli, iwasan ang kahit anong false statement at fraud, partikular sa usapin ng paghalal ng bagong opisyal.
Iwasan lamang ang mga nabanggit upang hindi magkaroon ng problema ang inyong organisasyon. Kung sakaling hindi naiwasan ang mga bagay na ito at nakansela o natanggal ang inyong accreditation, kayo ay babalik sa proseso at muling magpapasa ng requirements sa PCUP. Magkakaroon din ng deliberasyon ang komite kung nararapat bang i-accredit muli ang inyong organisasyon.
Para na rin sa inyong dagdag-kaalaman, accredited urban poor organizations ang isa sa mga unang mabibiyayaan ng three priority programs ng PCUP na binubuo ng (1) PCUP Caravan (2) Adopt an Urban Poor Community at (3) Urban Poor Privilege Card kaya mainam na sumunod lamang sa inyong obligasyon upang mabigyan ng prayoridad sa mga nabanggit na proyekto.
Muli, sumunod lamang sa patakaran upang maiwasan ang kanselasyon.





Comments