Mga dapat gawin para hindi tumaas ang kolesterol
- BULGAR

- Mar 1, 2019
- 2 min read
Dear Doc. Shane,
Tatlong taon na akong may diabetes, mayroon akong maintenance na gamot para rito, pero madalas ay hindi ako nakaiinom dahil sa kakulangan ng pera. May nakapagsabi sa akin na malaki raw ang epekto ng mataas na kolestrol sa kalusugan ng taong diabetic. Ano ang mga dapat kainin at iwasan para mapababa ito? — Norma
Sagot
Ang kolesterol ay isang uri ng lipid. Ito ay malagkit tulad ng taba na materyal na ginagawa ng atay sa natural na paraan. Ang kolesterol ay hindi natutunaw sa tubig kaya maaari itong gumalaw sa dugo ng hindi natutunaw. Para matulungang gumalaw ang kolesterol sa katawan, ang atay ay gumagawa at nagpapalabas din ng lipoproteins.
Ang lipoproteins ay particles na gawa sa fat at protina. Ang dalawang uri ng lipoprotein ay ang low density lipoprotein (LDL) at high density lipoprotein (HDL).
Ang low density lipoprotein (LDL) o bad cholesterol ay ang tagapagdala ng kolesterol sa mga ugat na daanan ng dugo. Kung mataas ang bilang ng LDL cholesterol sa dugo, maaari itong maipon sa mga dingding ng mga ugat.
Ang high-density lipoprotein (HDL) o good cholesterol ay tumutulong na ibalik ang LDL cholesterol sa atay upang tuluyan nang maalis sa katawan. Makatutulong ang good cholesterol upang makaiwas sa pagkakaroon ng pamumuo ng plaque sa mga ugat.
Kung nasa tamang dami ang HDL cholesterol, matutulungan nito na mapababa ang posibilidad na pamumuo ng dugo, sakit sa puso at stroke.
Ano ang sintomas ng mataas na kolesterol?
paninikip ng dibdib
atake sa puso
stroke
high blood
masakit na paglakad dahil sa baradong mga ugat na dahilan kaya hindi makadaloy ng maayos ang dugo sa mga paa
Ano ang sanhi ng mataas na kolesterol?
madalas na pagkonsumo ng mga pagkaing mataas sa kolesterol, saturated fats at transitive fats
hindi pagiging aktibo o hindi gaanong paggalaw
madalas na paninigarilyo
genes o mayroong kapamilyang nagkaroon ng mataas na kolesterol
kumplikasyon sa iba pang sakit
may diabetes, sakit sa bato o hyperthyroidism
Narito ang ilang tips para mapanatili ang tamang antas ng kolesterol sa katawan:
bantayan ang saturated at transitive fats — dapat hindi lalampas sa 10 porsiyento ng calories na kinakain natin, araw-araw
kumain ng masusustansiya at hindi saturated na taba — subukang palitan ang mantika sa pagluluto ng extra virgin coconut o olive oil, bumili ng karneng malaman at kumain ng mani imbes na french fries
kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber
bawasan ang pagkonsumo ng alak
panatilihin at bantayan ang mataas na timbang
ugaliing magkaroon ng regular na ehersisyo
iwasan ang paninigarilyo
ugaliing magkaroon ng regular na konsultasyon sa doktor




Comments