Konsehal kulong sa shabu

ARESTADO ang isang konsehal ng bayan sa Lagonoy, Camarines Sur sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa.
Armado ng search warrant, pinasok ng Lagonoy police at provincial drug enforcement unit ang bahay ng 49-anyos na suspek na si Randy Tecson sa Bgy. San Isidro.
Isinagawa ang operasyon ilang sandali nang makuhanan ang konsehal ng ilang piraso ng sachets ng shabu.
Nakuha pa ng mga awtoridad sa bahay ni Tecson ang nasa 19 sachets na naglalaman ng naturang droga.
Napag-alaman na number 1 sa listahan sa drug watchlists ng Lagonoy police ang konsehal.





Comments