Kandidatong sabit sa korupsiyon, suportado ni P-Digong?!

KANDIDATURA NI GWEN NA SABIT SA PAGBILI NG LUPA SA ILALIM NG DAGAT, SUPORTADO NI P-DUTERTE—Marami ang napataas ang kilay nang iendorso ni P-Duterte ang kandidatura ni Rep. Gwen Garcia bilang gobernadora ng Cebu.
Mantakin n’yo, ang pakilala ni P-Duterte sa kanyang sarili ay anti-corrupt daw siya tapos ang isa sa sinuportahan nitong kandidato ay si Gwen Garcia na may kinahaharap na kasong graft sa Sandiganbayan dahil pati ang lupa sa ilalim ng dagat ay “binili” nito gamit ang pera ng bayan, boom!
◘◘◘
KAPAG PINOY, MARAMING REQUIRMENTS PARA MAKAPAG-WORK, PERO ANG MGA ILLEGAL CHINESE WORKER, PASOK KAHIT WALANG PAPELES — Hindi talaga katanggap-tanggap sa mga Pinoy ang pahayag ni P-Duterte na hayaan na lang magtrabaho sa Pilipinas ang mga illegal Chinese worker.
Isipin n’yo, ang mga Pinoy kailangang makumpleto ang sangkaterbang requirements tulad ng NBI clearance, Police clearance, Bgy. clearance, cedula, medical certificate, birth certificate, TIN at marami pang iba para makapag-apply ng trabaho sa Pilipinas tapos ang mga illegal Chinese worker, oks lang sa pangulo na mag-work sa bansa kahit walang papeles, buwisit!
◘◘◘
SIS. PATRICIA NA KUMAKALINGA SA MAHIHIRAP, OUT; ILLEGAL CHINESE WORKERS NA UMAAGAW NG WORK SA PINOY, WELCOME—Pagkalinga sa mga mahihirap ang naging misyon sa matagal na panahong pananatili sa Pilipinas ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox at nang punahin niya ang human rights violations ng gobyerno sa mga maralita kahit kumpleto siya ng papeles para manatili sa bansa ay ipina-deport pa rin siya ni P-Duterte.
Pero, ang mga illegal Chinese worker na umaagaw sa trabahong para sa mga jobless Pinoy, welcome sa pangulo, pwe!
◘◘◘
DARAMI TALAGA ANG MGA ADIK SA BANSA KASI TONE-TONELADANG SHABU ANG NAKAPASOK SA PILIPINAS—Ang sabi ni P-Duterte, umabot na raw sa 7 hanggang 8 milyon ang drug addict sa bansa.
Aba, dapat pa bang i-memorize ‘yan, eh, sa tone-toneladang shabu na naipuslit sa Bureau of Customs noong panahon nina ex-Commissioners Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña, hindi talaga kataka-taka na sangkaterba ang durugistang Pinoy, hu-hu-hu!





Comments