top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bagong silang na beybi itinapon sa balon

  • Jeff Tumbado
  • Mar 1, 2019
  • 1 min read

ISANG patay na sanggol ang itinapon sa balon na walang tubig sa Davao City kahapon ng umaga.

Inakala umanong manika ang nakita ng ginang subalit, nang tingnang mabuti ay nakatali pa sa sanggol ang pusod nito at may bahid pa ng dugo ang katawan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na Miyerkules ng gabi nang itinapon ang bangkay ng sanggol na hinihinalang biktima ng abortion.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung nahagip ng CCTV ang insidente ng pagtatapon sa bangkay ng sanggol at kung sino ang nasa likod ng krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page