ASINTADO KAHIT TIRIK ANG ARAW, 7TH GOLD SA ARCHERY KAY TAGLE
- BULGAR

- Mar 1, 2019
- 1 min read

ILOILO CITY – Kinasahan ni Naina Dominique Tagle ang mas matatandang katunggali upang sikwatin ang pang-pitong gintong medalya sa archery kahapon sa ikaapat na araw ng kompetisyon sa 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy Visayas Leg sa Iloilo Sports Complex.
Mataas ang sikat ng araw, at kahit nakakasilaw ay sulyap na sulyap ng 10-anyos na si Tagle ang pagpana ng ginto sa Cub girl.
Hindi inaasahan ni Tagle, nakakabatang kapatid ni Archery national team member Nicole ang pitong events na 20m, 30m, 40m, 50m, fita, mixed team at Olympic round. “I was surprised. I was just expecting to win medals to be proud of myself. I didn’t expect to win this amount of medals and these are gold medals. So I’m really thankful for this,” ani Tagle.
Inamin ni Grade 5 student sa Silliman University na may halong kaba ito habang lumalaban sa mas matanda sa kanya.
“I feel very nervous because, I don’t know how good they are since I’m younger than them,” hayag ni Tagle.
Masayang-masaya naman ang Ama ni Tagle sa pagkakapanalo nito ng ginto.
“I’m very proud of her kasi at her age imagine 10 years old and she was able to get seven golds against sa mga nakalaban niya na mga 13 years old, nakakatuwa talaga,” wika ni Tatay Nick.Tinalo ni Tagle ang pambato ng Cebu na si Densil Shane Dinopol sa finals ng Olympic round sa event na inorganisa ng PSC sa pamumuno ni chairman William “Butch” Ramirez. (ATD)





Comments