‘Tulay’ ng misis at kabit binaril sa ulo ni mister
- Levi Gonzales
- Mar 1, 2019
- 1 min read

BINARIL sa ulo hanggang sa mapatay ng isang mister ang umano’y pinsan ng kabit ng kanyang misis sa Bgy. Lalaguna, Lopez, Quezon.
Alas-11:30 ng gabi nang makarinig ng putok ng baril ang may-ari ng tinuluyan ng biktimang si Edwin Peñaranda, 44, magsasaka.
Inakala umano nitong isang buko mula sa puno ang bumagsak sa bubungan.
Kinaumagahan, natagpuang wala ng buhay ang biktima at may tama ng bala sa ulo.
Base sa impormasyon, nagtungo sa lugar ang mga suspek na sina Lito Tanedo, 32, at Celso Lonzon, 43, ng Bgy. Monte Claro at pilit na hinahanap ang pinsan ng biktima, kaugnay sa pagiging tulay umano nito sa relasyon ng pinsan nito sa asawa ni Celso.
Nagkaroon ng pagtatalo ang tatlo hanggang sa pagbabarilin siya ng mga suspek. Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang mga suspek.





Comments