top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Worried kung hika ang sanhi ng kahirapan sa paghinga ng kanyang anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Mayroon akong asthma at namana ito ng aking anak. Sa tu­wing siya ay nagka­karoon ng ubo at sipon ay napapansin kong hirap siya sa paghi­nga at parang may humu­huning ibon sa kan­yang dibdib kaya bi­nil­han ko siya ng inhaler. Ito ang gina­ga­mit niya para lumu­wag ang kanyang paghi­nga. Pinaiinom ko rin siya ng cough syrup subalit, hindi ko pa siya naipakokonsulta sa doktor para mala­man kung hika ba ito. Anu-ano ang sinto­mas ng hika? — Andrea

Sagot

Ang asthma o hika ay isang kondisyon na nakaaapekto sa daanan ng hangin sa respiratory system ng tao. Isang uri nito ay ang bronchial asthma na nagdudulot ng kaka­pusan ng hininga.

Narito ang mga pang­karaniwang sinto­mas ng bronchial asthma:

  • kakapusan ng hini­nga

  • pag-aagahas

  • paninikip ng dibdib

  • pag-ubo

Bukod sa mga sin­tomas na nakasaad sa itaas, naiuugnay din ang asthma sa ibang kon­disyon tulad ng rhino­sinusitis.

Narito ang mga sanhi ng asthma na nagpapalala ng pama­maga o nagdudulot ng asthma attacks:

  • surot (dust mites)

  • mga mabalahibong hayop

  • pollens

  • viral/bacterial infections

  • ipis

  • amag (mold)

  • matinding polus­yon/usok

  • kemikal at mga bagay na may matinding amoy (tulad ng pabango, ammonia etc.)

  • mga sangkap na idinaragdag sa pag­kain

  • malamig na hangin

  • mga gawaing-pisikal (ehersisyo, pag­buhat ng mabigat etc.)

  • matitinding emos­yon.

Ang pagiging asthmatic ay maaaring dulot ng kombinasyon ng mga sanhing nabanggit natin.

Narito ang iba pang sanhi na naiuugnay sa pagiging asthmatic ng tao:

  • genetic o nama­mana

  • medical conditions (eczema, urticarial, hay fever etc.)

  • mga gamot (aspirin, ibuprofen etc.)

Walang nag-iisang pagsusuri ang nakapag­bibigay ng tiyak na kasagutan kung ang tao ay mayroong asthma, maliban na lang sa pagsasagawa ng spi­rometry o ang pagsukat sa kakayahan ng baga sa paghinga. Bukod sa pagsusuri ng asthma, ginagamit din ang spirometry para sa ibang kondisyon na nakaa­apekto sa pag­hinga tulad ng chronic obstructive pulmonary disease.

Para naman sa mga batang may asthma na hindi pa maaaring sumailalim sa spirometry, kadalasang bina­ban­tayan ng doktor ang iba’t ibang palatandaan ng asthma sa matagal na panahon tulad ng kakapusan ng hininga, pag-ubo at pag-aagahas.

Tandaan, ang asthma ay nakamamatay na kondisyon, lalo na kapag ang malubhang asthma attack ay hindi naaga­pan. Ang pinakama­halagang gamot sa asthma ay steroids at mga anti-inflammatory drug. Bagama’t, hindi tuluyang nagagamot ang asthma, maaaring mapi­gilan ang mga sintomas at ang paglala nito.

Pero, tandaan, hindi nito pinipigilan ang asthma attack. Pinapa­yuhan ang mga pasyente na gumamit ng inhalers bilang pangunahing rescue medication. Ang paggamit ng inhaled steroids ay ibinibigay para maalis ang pamamaga sa tubo ng baga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page