top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Universal Health Care, ginawang batas kahit walang sapat na pondo, payabang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2019
2 min read

DAGDAG-TAX AT DAGDAG BUTAW SA UNIVERSAL HEALTH CARE—Kapos ng P170 bilyon ang pondo ng isinabatas na “Universal Health Care” ni P-Duterte at para maimplementa ito, ang naisip na solusyon ng Duterte gov’t. ay dagdag-tax at dagdag-butaw.

Hay naku, para lang makapagyabang sa pub­liko at pampropaganda sa mga kandidato ng administrasyon ay isi­na­batas ito ni P-Duterte kahit kapos sa pondo tapos para ma-implement, ang magdurusa sa dagdag-tax at dagdag-butaw ay ang taumbayan, buwisit!

◘◘◘

PARA KAY CALI­DA, WALANG ‘K’ ANG MGA NURSE SA DAGDAG-SU­WEL­DO — Kinontra ni SolGen Jose Calida sa Supreme Court (SC) ang hirit ng Ang Nars Partylist na dagdagan ang suweldo ng mga nurse dahil ayon sa SolGen, wala raw “K” ang mga nurse na humirit ng dagdag-suweldo.

Ah, ganu’n? Walang “K” ang mga nurse na madagdagan ng suwel­do, pero ang security agency ng pamilya ni Calida may “K” magka­mal sa pera ng bayan sa pamamagitan ng pag­kopo ng mga security contract sa mga tang­gapan ng gobyerno, pwe!

◘◘◘

KOREK SI SEN. “KIKO” SA SINABI NITONG PINOY ANG DAPAT MAKI­NABANG SA TRA­BAHO AT HINDI ANG MGA CHINESE KASI HINDI NAMAN “PROVINCE” NG CHINA ANG PILI­PINAS—Binatikos ni Sen. “Kiko” Pangilinan ang pahayag ni P-Du­terte na hayaan na lang daw ang mga illegal Chinese worker sa bansa.

Sabi ni Sen. Kiko, ang mga walang traba­hong Pinoy daw ang dapat makinabang sa mga bakanteng trabaho sa gobyerno at hindi mga illegal Chinese worker kasi hindi naman daw probinsiya ng China ang Pilipinas, boom!

◘◘◘

MAY SHABU PA RIN SA DAVAO CITY —Apat na preso ng Davao City Jail na sangkot sa drug trafficking ang napatay ng mga pulis-Davao.

Akala ng publiko wala nang shabu sa Davao kasi ang sabi ni P-Duterte, hate niya ang drugs, pero mayroon pa pala, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page