Pagdawit sa journalist sa CPP-NPA, pinalagan
- Gina Pleñago
- Feb 28, 2019
- 1 min read

BINATIKOS ang akusasyon sa isang journalist mula sa Cagayan de Oro na si Cong Corrales na pinaratangang may koneksiyon sa New People’s Army (NPA) at Communist Party of the Philippines (CPP).
Kabilang ang kapwa journalist na si Jiggy Manicad sa pumalag sa polyetos na may nilalamang pangalan ng apat na organisasyon at 19 na tao, kasama si Corrales, na isang associate editor sa Mindanao Gold Star Daily at ang kanyang asawa at anak.
“I know Cong. Corrales personally from our coverages together in Mindanao, and I can say that he is truly a professional in this field,” paliwanag ni Jiggy Manicad sa isang panayam.
“Unless, there is complete evidence of the fact, red-tagging especially of the media will not be tolerated. Ginagawa lang namin ang trabaho naming mag-ulat ng katotohanan ngunit, kadalasa’y may mga masasamang element na nais kaming makitang masaktan o mapatay sa anumang pamamaraan. Dapat lubos na imbestigahan ito ng mga awtoridad,” dagdag pa nito.
Aniya, ang pagsama ng pangalan sa mga listahang ganito ay minsan ay dahilan upang maging target ng mga hit squad.
“We denounce this list as it is not only aimed to intimidate me in my work as a journalist but has endangered my family. We know fully well that red-tagging is a virtual death sentence,” ayon naman kay Corrales.
Samantala, tinuligsa rin ng Cagayan de Oro Press Club (COPC) ang nasabing polyetos.
Tinanggihan naman ng Philippine National Police Regional Office 10 at ng Philippine Army ang anumang partisipasyon sa listahan.





Comments