top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Paalala na huwag pakialaman ang pangarap ng iba

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Richard ng Richard_Sisgen@facebook. com

Dear Professor,

Nanaginip ang mama ko tungkol sa malaking ero­plano, pero ‘yung piloto ay hindi nagmamaneho dahil katabi siya ng mama ko.

Pagkatapos ay tinanong ni mama ‘yung piloto kung bakit ‘yung ibang eroplano ay maraming pasahero, ang sabi ng piloto sa kanya ay “hindi ko kaya ang ga­nu’n”.

Naghihintay,

Richard

Sa iyo Richard,

Ipinaaalam ng panagi­nip ng mama mo na may limitasyon ang lahat ng bagay, gayundin ang tao.

Dapat din niyang mau­nawaan na huwag siyang maging mapaghanap dahil ang taong mapaghanap ay kadalasang nagiging ma­lungkot ang buhay.

Kailangang matanggap niya na hindi lahat ng gusto niya sa tao ay matutupad.

Ang eroplano ay sim­bolo ng pangarap at magan­dang hinaharap. Ayon sa panaginip ng mama mo, marami siyang pangarap, pero ang pangarap ay hin­di para sa kanya na ang ibig sa­bihin ay nakikialam siya sa pangarap ng iba.

Nangyayari ito kapag ang nanay ay nakikialam sa pangarap ng kanyang anak. Puwede ring mara­nasan ito ng mister sa misis na mahilig magdikta para sa kanyang pa­milya kung saan ang babae ang nasusunod at hindi ang lalaki.

Ang ganu’ng misis ay ma­sasabing magaling at angat sa talino, kumbaga, siya ay nagtagumpay laban sa mga hamon ng kanyang kapalar­an at marami-ra­ming bagay na rin ang na­abot sa buhay.

Dahil siya ay matagum­pay, gusto niya sa ibang tao lalo na sa kanyang anak o asawa na siya ay tularan.

Kaya lang, ang hindi niya alam, may kani-kanyang ka­palaran ang bawat isa na ang tagumpay ng isa ay iba sa magiging tagumpay niya. Sa huli, siya ay lubhang masa­saktan dahil hindi niya kayang ipilit na siya ay tu­laran.

Kaya kahit pa masasa­bing tagumpay siya sa kan­yang buhay, bigo pa rin siya dahil ang gusto niyang mang­yari sa taong mala­pit sa kanya ay hindi magkaka­roon ng katuparan.

Muli, bilang paglilinaw, ito ay hindi nanganga­hu­lugang bigo sa buhay ang malapit sa kanya dahil siya lang naman ang mabibigo at ang malapit sa kanya ay magtatagumpay, kaya lang hindi sa paraang gusto ng nanay o asawa.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page