top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga kumpanyang iiwasan ang Expanded Maternity Leave Law kung saan tatanggap lang ng mga lalaking emp

  • Ryan B. Sison
  • Feb 28, 2019
  • 1 min read

MATAPOS maisabatas ang Expanded Maternity Leave Law, nabahala ang ilang ka­babaihan sa posibilidad umanong mas mamili ng mga lalaking manggagawa ang iba’t ibang employer sa bansa.

Kaya naman kasunod nito, nagbabala si Gabriela Rep. Arlene Brosas sa mga kum­panya na kung gagawin ang ganitong sistema ay maaari silang lumabag sa Magna Carta of Women at sa bagong lagdang batas dahil na­kasaad dito ang pagbabawal sa diskriminasyon sa female applicants kung saan may kapalit itong parusa at multa.

Gayunman, kung tutuusin umano ay na­pakaliit lang ng bilang ng mga buntis na mang­gagawa kung ikukumpara sa kabuuang sahod ng kababaihan.

Bukod pa rito, hindi lingid sa ating kaala­man na hindi lahat ay nakapaghahain ng ma­ternity leave sa trabaho dahil sa isyu ng kon­traktuwalisasyon.

Bagama’t, wala pang naiuulat na reklamo hinggil dito ay pinangungunahan na ito ng mga eksperto dahil kung sakaling mangya­yari ito ay tiyak na marami ang maaapektuhan, lalo na ang mga nanay na mag-isang nagta­taguyod ng kanilang pamilya.

Samantala, buwelta naman ni Rep. Emmi de Jesus, walang dapat ikabahala ang mga grupong pumoprotekta sa karapatan ng ka­babaihan dahil marami umanong sub-sectors sa hiring process na karamihan ay mga babae ang nagtatrabaho.

Pero, ang paalala natin sa lahat, sa halip na pairalin ang diskriminasyon, mas bigyang-halaga ang kakayahan ng tao kung ano ang maaari niyang maibigay sa kumpanya.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page