top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga bata inuutusang maglaslas, maggilit, maglason | KILLER ONLINE GAME, KALAT NA!

  • Madel Moratillo
  • Feb 28, 2019
  • 2 min read

NAGBABALA ngayon ang mga magu­lang sa kanilang mga kapwa magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak laban sa nauuso ngayong “Momo Chal­lenge”.

Ang Momo Challenge ay isang virtual game na nilalaro sa messaging app na WhatsApp, Facebook at YouTube kung saan binibigyan ng mga mapanganib na instruction ang isang bata tulad ng paglaslas, gilit o paglason na ang resulta ay masaktan nito ang sarili o mag-suicide.

Ang nasabing challenge ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng 11-anyos na bata na namatay ma­tapos ma-overdose ng gamot sa gout.

Ayon sa ina nito, ang naaalala lang niya ay ang pag­papasahan ng video ng suicidal games sa mga kaklase nito.

Kuwento pa ng ina nito, ang huling salita ng kanyang anak bago pumanaw ay: I will follow my master and I will kill them all.

Sa Facebook post ng nanay na may user name na Bets Tate mula sa United Kingdom, naka­panood din ng Momo Challenge ang kanyang anak.

Nang pilitin umano niyang magsabi ito sa kanila tungkol sa nasabing game, takot na takot ang kanyang anak at sinabing kapag nagsalita siya ay sasaktan ni ‘Momo’ ang kanyang mga mahal sa buhay.

“Saw this earlier so decided to ask jj if he’d heard of “momo” his face dropped the smile came right off his face he just side eyed me so I asked what she does and he said “I’m not allowed to say ” I told him to tell me and he said she stabs everyone and kills them. I’m mortified.”

Ang Momo Challenge ay kalat na hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang panig ng mundo.

Payo naman ng mga psychologist sa magulang, turuan ang kanilang anak na matukoy ang tama at mali at magkaroon ng magandang relasyon sa anak upang hindi ito matakot na magsabi ng saloobin.

Kung hindi naman magagabayan ang anak sa pa­nonood ng mga video sa internet, mabuting bumalik na lang sa regular na CD at DVD.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page