ESPORTS NATIONALS, BABANAT SA DOTA 2, TEKKEN AT BANG BANG
- Eddie M. Paez,
- Feb 28, 2019
- 1 min read

E-Sports Corner
LALONG sumisigla ang eSports sa Pilipinas dahil pagkatapos na makumpirma ang pagkakaroon ng events sa darating na 2019 South East Asian Games (SEAG) kung saan tatayong host ang bansa ay uusad naman sa susunod na buwan ang pinakaunang franchise-based esports sa torneong tinatawag na “The Nationals”.
Makikipagsagupaan ang anim na koponan sa kampeonato ng Dota 2, Tekken 7 at Mobile Legends: Bang Bang. Ang Dota 2 ay idaraos sa pamamagitan ng mga personal computers samantalang ang bakbakan ng Tekken 7 ay masasaksihan sa consoles. Sa kabilang dako, sa mga mobile phones aarangkada ang Mobile Legends.
Sa pag-oorganisa ng Gariath Concepts, ang anim na teams naman na nag-aambisyong mangibabaw ay ang mga sumusunod: Bren Epro (ni Bernard Chong), Cignal Ultra (ni Jane Basas), Suha (ni Jobe Nkemakolan), Happy Feet Emperors (ni Kevin Chung), STI (ni Mhel Garrido) at PLDT Smart (ni Andrew Santos).





Comments