top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

MARINERO, PINERDER ANG NU SA D-LEAGUE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2019
  • 1 min read

NAKABANGON sa kanilang naunang pagka­talo ang Marinerong Pili­pino matapos igupo ang SMDC-NU, 86-71, kama­kalawa sa 2019 PBA D-Lea­gue sa Paco Arena sa Ma­nila.

Pinangunahan ni Santi Santillan ang naturang unang panalo ng Skippers sa kanyang itinalang 18 pun­tos, 13 rebounds at tig-2 assists at steals kasunod si Anton Asistio na may 14 puntos at 4 na rebounds.

“Yun na ang Anton Asistio at Santi Santillan na hinahanap namin. Iba ang experience nila at na­dadala nila sa Marinero,” ani coach Yong Garcia.

Nauna rito, isinalansan ni Orlan Wamar ang 11 sa kanyang 13 puntos na out­put sa first half upang pa­munuan ang 28-puntos na ratsada ng Marinero sa se­cond-period na nagresulta sa 47-29 bentahe sa half­time.

Tumaas pa ito sa 21, 50-29, kasunod ng triple mula kay Santillan, ngunit nakuha pang humabol ng SMDC-NU at tinapyas ang kalamangan sa anim, 63-57 papasok sa payoff pe­riod.

Pero muling kumama­da ang Skippers 15-2 blast upang ibalik ang kalama­ngan sa 21-puntos, 84-63 upang tiyakin ang panalo.

“I’m so happy na naka­bawi kami sa first loss na­min and I told my players na masaya ako na na-run nila ang gameplan na­min,” ayon pa kay Garcia.

Nanguna si John Gali­nato sa winless na Bull­dogs (0-2) sa ipinoste ni­tong 17 puntos, 3 rebounds, at 3 ding assists. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page