top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

DYIP, SINAGASAAN ANG BOLTS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2019
  • 1 min read

TINULDUKAN ng Columbian Dyip ang three-game skid matapos pundihin ang Meralco Bolts, 86-85 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala si Rashawn Mc­Carthy ng 30 points, 8 rebounds at 3 assists upang tulungan ang Dyip na ilista ang 3-4 karta. Nalasap ng Bolts ang pangalawang sunod na talo, tangan ang 2-4 record. Umarangkada agad ang Bolts sa 1st quarter, hi­na­wakan ang 13-point lead, 24-11 pero nakadikit ang Dyip sa second matapos tapyasan ang hinahabol sa 3, 45-42 sa halftime.

Nagpatuloy ang mainit na laro ng Columbian sa 3rd, naitabla ang iskor sa 66-All papasok ng 4th canto. Naka­la­mang ang Dyip ng anim na sa kaagahan ng payoff period, 77-71 at nagtuloy na ito hangang sa matapos ang laban. Samantala, nais ng Alaska Aces na sikwatin ang pangatlong sunod na panalo pagharap nila sa Phoenix ng 7 pm ngayon sa MOA Arena sa Pasay City. Tangan ang 2-1 karta, nabigo muna ang Aces sa unang laro ngayong conference bago hinigop ang dalawang sunod na panalo upang makalapit ng bahagya sa tuktok ng team standings.

Muling sasandalan ng Aces sina Jeron Teng at Carl Bryan Cruz na mga naging bayani sa kanilang huling peryodo kontra Blackwater Elite noong Pebrero 13, (Mi­­yerkules).

Maghaharap sa unang laro ng 4:30 p.m. ang Co­lumb­ian Dyip at naghihinga­long Elite. Nasa delikadong sitwasyon ang Elite, apat na sunod silang lugmok kaya halos nasa ilalim sila ng team standings kapit ang 1-6 karta. Kailangan manalo ng Elite upang manatiling may pag-asa sa asam na korona. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page