top of page
Pokwang.jpg

Problema sa iligal na demolisyon o ebiksiyon, sagot ng PCUP 'yan!

Alvin Feliciano
Feb 27, 2019
2 min read

MAYROON bang iligal na demolisyon o ebiksiyon na nakaamba sa ating lugar? Kung oo, nandito ang Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP upang tayo ay bigyan ng assistance sa problemang ito.

Para sa kaalaman ng lahat, ang PCUP ay may itinalagang area coordinators sa iba’t ibang lugar o probinsiya sa Pilipinas upang bantayan at bigyang-tugon ang mga problema ng mga maralitang tagalungsod sa lugar na kanilang nasasakupan, lalung-lalo na sa isyu ng demolisyon o ebiksiyon.

Tanong: Ako si Marcelita, taga-Pangasinan ako. Nais ko lamang humingi ng tulong sa PCUP dahil paaalisin na kami sa aming tinitirhan. Gustuhin ko mang pumunta sa inyong opisina sa Quezon City para maaksiyunan ang aking problema, wala naman akong pamasahe. Ano ang puwede kong gawin?

Sagot

Mayroon tayong area coordinator na naka-assign sa Pangasinan na maaari nating lapitan at personal na makausap. Mangyaring magpadala muna ng formal letter sa tanggapan ng PCUP upang malaman kung anong aksiyon ang maaaring ibigay at para na rin maiayos ang schedule ng pag-uusap sa ating area coordinator. Ipadala lamang ang sulat sa 4th flr., DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City. Kung mayroong iba pang katanungan, maaaring tumawag sa Field Operations for Luzon ng PCUP sa numerong: (02) 416-3294.

Para naman sa iba pa nating readers kung tayo ay may isyu tulad ng kay Marcelita, parehong proseso lamang ang dapat nating gawin. Mangyaring magpasa o magbigay muna ng formal letter sa tanggapan ng PCUP upang mai-assess natin kung ano ang dapat gawin at para na rin maiayos ang schedule ng pag-uusap kasama ang area coordinator na nakatalaga sa ating lugar. Tiyakin lamang na nakalagay sa ating sulat ang kumpletong address at contact numbers para mabilis tayong mahanap at mapuntahan ng area coordinator.

Muli, ang PCUP ay kaagapay ng maralitang tagalungsod. Asahan natin na narito lamang ang PCUP upang magbigay ng direktang serbisyo sa tao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page