top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Parang 'di Diamond Star… MARICEL, EXTRA LANG SA SERYE NI ANGEL

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2019
2 min read

Nice to see once more the Diamond Star Maricel Soriano in her perfect element. Though she has gained weight, ‘yung pagka-bubbly niya when she was younger ay muli naming nakita sa kanyang pagge-guest sa Magandang Buhay yesterday morning.

Ang galing pa ring sumayaw ni Marya. Mukhang masaya siya ngayon. Maaliwalas ang mukha niya and she seems to be at peace with the world. She seems to be in perfect health this time.

Kuwento niya kahapon, she became an actress when she was 6 years old.

“Gusto kong makatulong nang husto sa pamilya namin. Sabihin na natin ang totoo na noon, there was a time na we had no food on our table. Ako mismo ang gustong mag-artista.”

Grabe talaga ang attachment ni Maricel sa kanyang pamilya. Guest din kahapon ang mga kapatid niya and they remained intact. Ikinuwento ng mga ito kung paano nakatulong sa kanila nang husto ang Diamond Star.

Though known as the Taray Queen, sinabi ng mga kapatid ni Marya na ever loving siya as their ate.

At inamin ni Maricel na she lives for her siblings. She supported them. And Bec-Bec (sister ni Marya) said ‘di lang sila naka-depend kay Marya financially kundi maging emotionally. Ito ang naging sandalan nila.

Special na bumati kay Maricel ang favorite apo niya, ang guwapung-guwapong anak ni Meryll Soriano na si Elijah.

Guests too were a part of her extended family, ang mga anak ni Dolphy whom she calls “Daddy” na sina Eric at Epi Quizon. She also became close to the two.

Eric recalled, “Minsan, bigla na lang ‘yan sisipot sa amin at itatanong ko kung bakit. Sasagot naman ‘yan ‘Bakit ba?’”

Sabi naman ni Epi, “Parang nahuhu­laan niya kapag may problema ako. Big­lang tatawag at kukumustahin kung okay ako at iimbitahin akong pumunta sa bahay niya kahit unholy hour.”

Napansin naman naming may soft spot siya sa anak ni Meryll na si Elijah. Ang higpit ng yakapan ng mag-lola nu’ng magkita.

Ang absent at bumati na lamang sa kanya through letters ay ang dalawang anak niyang sina Marron at Sebastian.

Paliwanag ni Marya, “Ayaw ko silang ma-expose. Minsan kasi, nagko-commute lang ang mga ‘yan. Sabi ko kasi sa kanila, hindi naman nila kailangang mag-kotse. Puwede silang mag-public transpo.”

Part na raw ito ng discipline niya sa dalawang anak para alam ng mga ito ang halaga ng pera.

Anyway, sabihin pa mang limang dekada na si Maricel sa showbiz, puwedeng-puwede pa rin siyang maging aktibong muli.

Oo nga kasi’t kasama siya sa cast ng The General’s Daughter, bihirang-bihira naman namin siyang makita sa serye ni Angel Locsin. It would be good to see her once more in a more active role.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page