Leyte niyanig ng magnitude 4

NIYANIG ng Magnitude 4 na lindol ang Leyte na sinundan ng mahinang aftershock kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng pagyanig alas-4:48 ng madaling-araw sa layong walong kilometro sa bayan ng Capoocan, Leyte.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na walong kilometro.
Batay sa monitoring ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity III sa Ormoc City; Intensity II sa Palo, Leyte at Intensity I sa Borongan City, Eastern Samar.
Wala namang naiulat ang lokal na disaster risk reduction and management office ng Capoocan na pinsala ng lindol bagama’t, naramdaman ng mga residente.
Samantala, alas-7:02 ng umaga nang maitala ang ikalawang pagyanig na may Magnitude 2.6. Natunton ang epicenter sa Kananga sa Leyte.





Comments