Doble-sahod sa mga guro | WAIT LANG — DIGONG

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng mga guro na maisasakatuparan ang ipinangako nitong dagdag-sahod para sa kanila.
Ayon sa pangulo, kaunting panahon lamang ang kanyang hinihingi mula rito.
Wala pa umanong budget kaya apela nito sa mga pampublikong guro, maghintay pa ng kaunti para sa kanilang dagdag-sahod.
Kinausap na umano ng presidente si Budget Sec. Benjamin Diokno kaugnay sa salary increase ng mga titser.
Pagtiyak ng pangulo sa mga public school teacher, kung paanong dinoble ng gobyerno ang sahod ng mga pulis ay ganundin ang kanyang gagawin sa hanay ng mga teacher sa pampublikong paaralan. “For the teachers, just wait a little because we don’t have the budget for that yet. But your salaries will be doubled just like with the police. My mother was a teacher too,” paliwanag ni P-Duterte.





Comments