top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dahil sa mga kalokohan at kasinungalingan ng dilawan | Taumbayan, dedma sa selebrasyon ng People Pow

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 27, 2019
  • 3 min read

WALA nang pumupunta sa EDSA para sa selebrasyon ng “People Power Revolution” ng mga dilawan. Marahil, nasuya na ang taumbayan sa mga kalokohan at kasinugalingan ng mga kunwaring bayani.

Naisulat natin noong Lunes na wala naman talagang kinalaman si ex-P-Cory Aquino sa EDSA People Power Revolution. Isa lamang itong pagre­rebelde ng maliit na grupo ni Juan Ponce Enrile na dating defense minister ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Balak ni Enrile na magkudeta laban sa dating pangulo. Nang nabisto ay nagtago ito sa Camp Crame kasama ang Reform the Armed Forces Movement (RAM) sa pangunguna ni Col. Gringo Honasan.

Pero, sa totoo lang, kaunti lang sa militar noon ang sumusuporta kay Enrile at sa mga rebeldeng RAM.

Mas marami ang tapat sa Republika ng Pilipinas tulad nina Air Force Commander Vicente Piccio, Army Commander Josephus Ramas at Marine Commandant Artemio Tadiar.

Ang Philippine Constabulary naman ay hati ang suporta. Ang grupo ni Fidel Ramos ay sumanib kina Enrile habang ang grupo naman ni Renato de Villa, sa gobyerno nakapanig.

Hindi nilabanan ng Armed Forces of the Philippines ang puwersa ni Enrile dahil iniutos ni ex-P-Marcos na huwag silang tirahin.

Handa na ang militar noon para labanan ang mga rebelde, ayon kay dating AFP Chief of Staff General Fabian Ver, ngunit, ayaw ibigay ng pangulo ang order sa militar para puwersahang paalisin ang mga rebelde at demonstrador sa Camp Crame.

Sinabi nito kay Ver na, “ipinaglaban ko ang mga kababayan natin ng buong buhay ko, bakit ko sila ipapapatay?”

Ikumpara natin ang desisyon ni ex-P-Marcos sa ginawa ng Chinese Communist Party noong 1989, noong nagkaroon din sila ng mala-EDSA na pag-aalsa.

Sa tindi ng “political will” ng gobyerno ng China, iniutos nito sa militar na maglabas ng mga tanke at batalyon ng sundalo. Puwersahang ipina-disperse ng People’s Liberation Army ang mga rebeldeng Chinese na nasa Tianamen Square.

Ano kaya ang nangyari sa kasaysayan kung natuloy na iniutos na paalisin ang mga tao sa EDSA at ipinahuli si Enrile at iba pa nitong kasama?

Malamang, hindi mauupo sa puwesto si ex-P-Cory at hindi tayo magkakaroon ng palpak na gobyerno sa kamay ng mga dilawan.

Malamang, maunlad na bansa na tayo dahil hin­di nahawakan ng mga korup na dilawan ang gobyerno.

Isa pang katotohanan na ngayon lang nalala­man ng ibang tao: Tinraydor ng Estados Unidos si ex-P-Marcos at dinala sa Hawaii sa halip na sa Laoag City.

Nang inayawan nito ang paggamit ng dahas sa EDSA ay nakipag-areglo siya sa U.S. na dalhin na lang siya sa Laoag, sa probinsiya niya na Ilocos Norte.

Malinaw sa mga dokumento mula sa U.S. Con­gress na nag-imbestiga noon ng pondong gina­mit para sa operasyon laban sa kanya na ang order sa U.S. military ay dalhin ito sa siyudad ng Laoag.

Ngunit, niloko ang pangulo, sakay ng helicopter ay nag-landing sila sa Clark Air Base at sinabing madilim na raw kaya hindi na sila makapagbibiyahe pa, kasinungalingan ito.

Ang nangyari ay inihanda nila ang eroplano para madala ito at ang kanyang pamilya sa Hawaii sa halip na sa Ilocos Norte.

Ang katotohanan, si ex-P-Cory ang nag-utos sa U.S. government na ayaw niyang manatili si ex-P-Marcos sa Pilipinas.

Ang mga Amerikano naman, na akala ay maka­kukuha sila ng mas magandang deal sa kanilang U.S. bases kay ex-P-Cory, agad-agad na sumunod sa reyna ng mga dilawan.

Pagdating sa Hawaii, bastos ang pagtrato kay ex-P-Marcos. Sana ay ginawa na lang nila na parang kay Suharto ng Indonesia na house arrest, sa halip na ipinagtabuyan ang isang Pilipino mula sa kanyang sariling bayan.

Pero, hindi ba, nakarma ang mga dilawan? Ang termino ni ex-P-Cory ay markado ng sunud-sunod na kudeta ng rebeldeng militar.

Wala ring katapusan ang mga brownout noong termino niya kaya talagang minumura siya ng mga tao, ang tinaguriang “bayani” raw noong EDSA Revolution.

Bumagsak din ang ekonomiya noong termino ni ex-P-Cory dahil wala naman itong alam sa pag­pa­patakbo ng gobyerno. Balita natin puro paglalaro ng mahjong lang daw ang ginagawa nito sa Malacañang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page